Abstract:
Humahagupit na ang kalikasan ngunit nananatili ang bagyo ng pinsalang inihatid ng Marcopper Mining Disaster noong 1996. Pasan-pasan pa rin ng mga mamamayan ang epekto nito sa kanilang kabuhayan at naging manipestasyon ng pananamantala sa kalikasan ng naturang insidente. Pinanagutan ng kumpanya ng Marcopper na pangalagaan ito ngunit nang maglaon ay hindi na ito nasustentuhan. Iba't ibang paraan ng kalitatibong pananaliksik ang ginamit sa pagtuklap sa kasaysayan ng kaganapan na siyang tumutuklap din sa mga naging sanhi at bunga ng nagdaang insidente. Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan ngunit tanaw na tanaw pa rin ang bakas ng nakaraan sa ilog ng Boac, Marinduque.