DSpace Repository

Kordilyera, karunungan, at kamalayan: kritikal na pagsusuri sa kamulatan ng mga kabataan sa asignaturang makabayan sa ilalim ng balangkas ng mother tongue-based — multilingual education (MTBMLE) kurikulum sa mga pampublikong mababang paaralan sa Cordillera

Show simple item record

dc.contributor.author Pajalla, Jonerie Ann M.
dc.date.accessioned 2021-09-08T00:46:41Z
dc.date.available 2021-09-08T00:46:41Z
dc.date.issued 2019-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1037
dc.description.abstract Kaakibat ng layuning higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa, ipinasa sa ilalim ng Batas Republika 10533 ang malawakang implementasyon ng K-12 kurikulum sa bansa, at kasabay din nito ang pagsusuhay sa Mother Tongue BasedMultilingual Education (MTB-MLE). Isinusulong naman ng huli ang pagpapatibay ng pundasyon sa pagkatuto (learning foundation) at kakayahang matuto (learning competencies) ng mga mag-aaral, lalong-lalo na sa Kindergarten, at una hanggang ikatlong baitang. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo ng iba't ibang mga asignatura, partikular sa Araling Panlipunan. Nahahati sa apat na bahagi: pisara, antipara, dalumat, at watawat, sinubukang siyasatin ng pag-aaral na ito ang kritikal na epekto ng paggamit ng wika, partikular ng MT, sa pagtuturo sa klase. Sa pagpili sa rehiyon ng Cordillera, ispesipiko sa lungsod na Baguio, na itinuturing na Metro Manila ng Hilaga, sinikap ding tuklasin ng papel na ito ang implikasyon ng pagtatakda ng MTB-MLE sa mga melting pot na lugar, o mga lugar na lunsaran at nagsisilbing tahanan ng iba't ibang tao — magkakaiba man ng pinagmulan, etnisidad, o maging ng lahi. Sa pagsisiyasat sa kalagayan ng ilang mga pampublikong mababang paaralan sa lungsod ng Baguio, napag-alamang may kahirapang kaakibat ang pagpapatupad nito dahil sa naiibang oryentasyong ng lungsod kompara sa ibang mga lugar sa CAR. Sa halip na ituro ang mga asignatura gamit ang MT, isa lamang itong dagdag na sabdyek sa mga magaaral ng nasabing baitang. Bukod sa mga estudyanteng nahihirapang makaagapay sa pagpapatupad nito, napag-alaman ding pinapasan ng mga guro ang malaking responsibilidad, at mas malaking pagsisikap para lamang umangkop sa kasalukuyang sitwasyong dala ng implementasyon ng MTB-MLE, na taliwas sa paniniwalang mas makatutulong pa ang nasabing programa sa pag-unlad ng kamulatan ng mga kabataan. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Multilingual education en_US
dc.subject Mother tongue based multilingual education en_US
dc.subject Elementary public education en_US
dc.title Kordilyera, karunungan, at kamalayan: kritikal na pagsusuri sa kamulatan ng mga kabataan sa asignaturang makabayan sa ilalim ng balangkas ng mother tongue-based — multilingual education (MTBMLE) kurikulum sa mga pampublikong mababang paaralan sa Cordillera en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account