Abstract:
Sa pamamagitan ng pag-alam at pag-unawa ng mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang bukid ay nakita ng pag-aaral ang dahilan ng kahirapan na nararanasan ng kanilang mga pamilya at naiugat ang dahilan ng pagkakaroon ng child labor. Natuklasan sa pagaaral na ang kawalan ng regular na sahod, napakababang sahod, kawalan ng benepisyo at ang kawalan ng access sa lupa ng mga manggagawang bukid ang dahilan ng kahirapan na nararanasan ng kanilang mga pamilya. At ang kahirapang ito ang dahilan kung bakit sa murang edad pa lamang ay nakikibahagi na ang kanilang mga anak sa produksyon ng tubo. Higit pa, sinasalamin ng pag-aaral na sa kabila ng mga lokal at internasyunal na polisiyang ipinapatupad sa Pilipinas, at mga programang ipinatupad at ipinapatupad upang wakasan ang child labor ay patuloy itong mananatili sa loob man o labas ng kampo hangga't nananatili ang kahirapang nararanasan ng mga pamilya ng mga manggagawang bukid.