dc.description.abstract |
Sa pagbaybay sa kasaysayan ng pandaigdigang migrasyon ng kababaihan, kasabay nitong sumibol ang kaliwa't-kanang mga pelikulang nagtampok ng pakikibakang ito. Higit pa sa enterteynment, naging bahagi na ang pelikula, mula pa noong panahon ng Soviet Russia, sa pagpapalaganap ng progresibong kultura at katotohanan. Nilalatag ng pag-aaral ang papel ng pelikula sa pagpapataas ng panlipunang pakikisangkot ng mamamayan. Gamit ang Marxismong dulog, napatunayan sa pamamagitan ng mga kwantitatibo at kwalitatibong datos na mayroong ugnayan ang institusyonalisasyon ng mga labor export policies at ang burukratisasyon sa industriya ng pelikula. Inilalantad ng kasalukuyang kalagayan ng maraming OFW films at ng nagpapatuloy na forced migration ang oryentasyong import-dependent at export-oriented ng ating bansa, ang malawakang kawalangempleyo at ang masidhing pangangailangan para sa industriyalisadong bansa. |
en_US |