Abstract:
Isa sa mga panlipunang problema na kinahaharap ng pamahalaan sa bansa ay ang bilang ng mga informal settler, iyong mga walang sariling lupa at naninirahan pansamantala sa mga pribadong lupa na pagmamay-ari ng iba. Ang mataas na bilang ng mga ito ay siyang sinusulusuyan ng pamahalaan sa pamamagitan ng relokasyon — in-city at off-city. Sa kasalukuyan dahil sa dami ng negatibong epekto na dala ng off-city na relokasyon sa buhay ng mga narereloka lalo na sa kanilang hanap-buhay, nais ng ilang politiko at ahensya ng pamahalaan na mas bigyan pansin at mas ipatupad ang in-city relocation. Dahil dito, nais ng pag-aaral na ito na makita ang pangmatagalang epekto ng incity na relokasyon sa buhay at hanap-buhay ng mga nareloka. Binigyan pansin ng pag-aaral ang kaso ng mga nareloka sa Brgy. Sto Niño sa bayan ng Marikina kung saan halos lahat ng mga kabilang sa relokasyon ay mula sa tabi ng ilong ng Marikina. Ang relokasyong isinagawa ay nangyari noong dekada '90 sa ilalim ng administrasyon ni dating Alkalde Bayani Fernando Tinignan ng pag-aaral hindi lang ang epekto kung hindi maging ang proseso at ilong probisyong kabilang sa ipinatupad na relokasyon sa lugar. Makikita sa pag-aaral na ang iba't ibang problema na kanilang kinaharap at ang mga kakulangan sa ipinatupad na relokasyon na kung nagkataon ay nagdulot ng lalong pagkalugmok sa kahirapan ng mga nareloka. Pero sa kabila ng mga ito, ang ipinatupad na relokasyon ay naging matagumpay dala ng kawalan ng malaking epekto sa hanap-buhay nila at ng gabay mula sa lokal na pamahalaan.