DSpace Repository

Katutubo at kaunlaran: pagsusuri sa epekto ng Clark Freeport Zone sa mga Ayta ng Sitio Calapi, Mabalacat, Pampanga

Show simple item record

dc.contributor.author Tison, Allison Jillian S.
dc.date.accessioned 2021-09-15T00:33:31Z
dc.date.available 2021-09-15T00:33:31Z
dc.date.issued 2017-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1066
dc.description.abstract Ang Clark Freeport Zone ay itinuturing na isang repleksyon ng kaunlaran sa bansa. Ipinagmamalaki ito ng Gitnang Luson para sa pagpapalago ng ekonomiya ng rehiyon, at kinikilala rin ito ng lokal na pamahalaan ng Mabalacat para sa kakayahan nito na lumikha ng mga oportunidad sa hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Gayunpaman, mahalaga na masuri kung ang kaunlaran na dulot ng CFZ na tinutukoy ng mga nabanganggit ay nangangahulugan ng tunay na pag-unalad para sa lahat, kabilang na ang mga katutubo, o kung ito ay para lamang sa iilan sa lipunan. Ang papel na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga implikasyon ng operasyon ng Clark Freeport Zone sa hanapbuhay, lupaing ninuno, at iba pang aspeto ng pangkalahatang pamumuhay ng mga residente ng isang komunidad ng mga Ayta sa Sitio Calapi, Mabalacat, Pampanga. Sa pamamagitan ng sarbey, panayam, at mga sekundaryang datos ay inilihad at sinuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga Ayta, maging ang mga batas at kasunduang nilikha ng ahensya ng gobyerno at asosasyon ng mga katutubo patungkol sa isyu. Napatunayan sa pananaliksik na bagama't itinuturing na simbolo o repleksyon ng kaunlaran ng gobyerno ang CFZ ay hindi naman ito nakapagbibigay ng tunay na kaunlaran para sa mga katutubong Ayta. Bagkus, lumikha lamang ito ng samu't saring mga isyu o problema na direktang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga katutubo sa napiling komunidad. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Aeta people community en_US
dc.subject Clark Freeport Zone en_US
dc.title Katutubo at kaunlaran: pagsusuri sa epekto ng Clark Freeport Zone sa mga Ayta ng Sitio Calapi, Mabalacat, Pampanga en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account