dc.description.abstract |
Ang kawalan ng lupa ang isa sa mga malaking problemang kinakaharap ng Pilipinas. Malaking bahagdan ng mga magsasaksa sa iba't ibang dako ng Pilipinas ay patuloy na kumakaharap sa katotohanan na wala silang sariling lupang ibinubungkal. Ang kawalan ng tunay na repormang agraryo at ang patuloy na paghahari ng mga panginoong maylupa ang humahadlang upang mapasakamay ng mga magsasaka at ng pesante, sa kabuuan, ang pagkakaroon ng sariling lupa. Sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa kawalan ng lupa, nagsasagawa ang Partido Komunista ng Pilipinas, katuwang ang New People's Army at ang Pambansang Kilusan ng Magbubukid nang mga radikal na solusyon upang mapamahagi ang lupa sa mga magsasaka. Ito ay sa porma ng rebolusyong agraryo. May dalawang layunin ang rebolusyong agraryo; ang maksimum ay ang mapamahagi sa mga magsasaka ang mga lupa na kinamkam ng mga panginoong maylupa at sa minumum naman ay mabago ang hatian sa produksyon sa pagitan ng panginoong maylupa at ng mga magsasaka. Sa dalawang bayan sa Quezon na San Andres at Lopez ay isinulong ang rebolusyong agraryo sa minimum na antas. Nagkaroon ng pagbabago sa hatian sa produksyon, batay sa nakalap na datos mula sa 75-25 na hatian na pabor sa panginoong maylupa ay naging 70-30 pabor sa mga magsasaka. Ngunit, nabago man ang hatian sa produksyon ay patuloy na kikilos ang malawak na hanay ng mga magsasaka at magniniyog sa Quezon upang tuluyang mabago ang sistema na umiiral sa kanilang lugar. |
en_US |