Abstract:
Binubuo ng pananaliksik ang kasaysayan ng pagmamay-ari ng lupa ng Hacienda Regalado at Hacienda Perez, Murcia, Negros Occidental bilang primaryang salik na nagtatakda ng mga patakaran sa agrikultura tulad ng monokultura. Sa paglubog ng mananaliksik sa mismong mga asyenda, sa ilalim ng balangkas ng participatory action research, tinutuklas ang pang-ekonomya at pampolitikang implikasyon at epekto ng sagot sa mga tanong na: sino ang nagmamay-ari o may kontrol sa lupa, ano-ano ang tinatanim sa lupa, at kanino napupunta ang ani rito. Nais bigyang-linaw ng pananaliksik na ang pakikibaka sa lupa ng manggagawang-bukid ay lehitimo dahil sa 'di makatarungang kontekstong kinalalagyan nila: mababang sahod, walang sariling lupa, walang pagkain, walang benepisyo, walang suporta mula sa gobyerno, at represyon at militarisayon.