dc.description.abstract |
Laganap ang kliktibismo sa isang lipunang makabago ang teknolohiya, kung saan malawak ang akses ng mga mamamayan sa teknolohiyang digital, partikular sa internet at social media. Maraming bentaheng naihahatid ang social media at kliktibismo—mabilis, madali, mura, at episyente ang interaksyon, pagpapalaganap ng impormasyon, at pagbabahagi ng mga pahayag o saloobin. Isang instrumento ng demokrasya, malayang pagpapahayag, at kaunlaran ang teknolohiyang ito, kaya't isang hakbang tungo sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ang pagpapaunlad ng teknolohiyang digital at pagsasagawa ng mga hakbang upang ito ay matamo ng lahat. |
en_US |