DSpace Repository

Mga kuwento ni Aristotle: isang pagsusuri sa mga awitin ni Gloc-9.

Show simple item record

dc.contributor.author Fernandez, Jardine Marian A.
dc.date.accessioned 2021-09-16T06:56:57Z
dc.date.available 2021-09-16T06:56:57Z
dc.date.issued 2014-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1114
dc.description.abstract Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa mga kuwentong inilalahad sa mga awitin ng rapper na si Gloc-9. Kabilang sa mga awiting ito ang Lando, Balita, Bayad ko, Elmer, Walang Natira, Inday, Silup, Hindi Mo Nadinig, Sirena at Magda. Lunduyan ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa umiiral na tema ng mga nabanggit na awitin. Sa pagsagot sa pangunahing katanungan ng pag-aaral na ito, naging modelo ng mananaliksik ang Neo-Aristotelism sa Formalistikong lapit na siyang sumiyasat sa istruktura ng mga awitin. Gamit ang nasabing modelo, ginabayan nito ang mananaliksik tungo sa pagtuklas sa banghay, mga retorikal na instrumento ng pagsasalaysay, moda ng paglalahad at emosyonal na epekto ng bawat awitin. Ang pagsusuri sa istruktura ng mga awitin ay naging daan sa malalim na pagkakaunawa ng nilalaman ng mga awitin. Sinuri rin ng mananaliksik ang mga music videos ng mga awitin gamit ang Semyotika upang lubos na maunawaan ang tema at mensahe ng mga kuwento sa tulong ng mga larawang matatagpuan dito. Batay sa mga datos na tinasam, Social Realism ang umiiral na tema sa mga awitin ni Gloc-9 na naging paraan ng paglalahad ng kuwento. Tinalakay nito ang iba’t-ibang sosyo-politikal na usapin gaya ng kahirapan, pangingibang bansa, homosekswalidad at prostitusyon. Bukod dito, napatunayan ng mananaliksik na ang mga paglalarawan sa mga awitin ay tumutugon sa isa’t-isa upang umapila sa simpatya ng mga makiking. Natuklasan ng mananaliksik na makakakitaan ng Theory of Moral Sentiments ang paglalahad sa mga tinasang awitin dahil sa naaalinsunod nitong pagpukaw sa simpatiya ng mga makikinig. Sa puntong ito, nakitaan ng mananaliksik ang kahalagahan ng pag-aaral sa kakayahan ng musikang rap sa Pilipinas hindi lamang sa malikhaing paglalahad ng kuwento ngunit maging sa pagtalakay ng mga usaping panlipunan. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Aristotle Pollisco en_US
dc.subject Gloc-9 en_US
dc.subject Rap music en_US
dc.title Mga kuwento ni Aristotle: isang pagsusuri sa mga awitin ni Gloc-9. en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account