DSpace Repository

“BOOM na BOOM: isang pag-aaral at pagtukoy sa ikonograpiya ng patók jeepney sa Montalban Rizal

Show simple item record

dc.contributor.author Ingal, Hanna Angelika A.
dc.date.accessioned 2021-09-16T08:55:05Z
dc.date.available 2021-09-16T08:55:05Z
dc.date.issued 2017-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1123
dc.description.abstract Ang ahensiya ng LTFRB ay nais na magkaroon ng pagmomodernisa ng mga pampublikong tansportasyon bilang pagpapa-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa bayan ng Rizal ay nauuso at dumarami ang kung tawagin ay mga Patók Jeepneys na tinututulan ng LTFRB dahil sa mga nababalitang mga disgrasya tungkol sa mga ito. Dahil sa mga balitang napapanuod tungkol dito ay tumatak na sa isipan ng mga mananakay ang mga patók jeepneys bilang uri ng transportasyon na hindi ligtas at dapat ay hindi na tangkilikin pa. Nagsuri ng 100 patók jeepney na may biyaheng Montalban-Cubao upang talakayin kung ano nga ba ang ikonograpiya ng isang patók jeepney sa Rizal at ang indikasyon nito sa klase ng interes at popular na panlasa mayroon ang masa sa lugar na iyon. Ginamit ang pag-aaral at teorya nina Erwin Panofsky at Charles Sanders Pierce sa ikonograpiya at mga disenyo’t tanda, at itinala sa pamamagitan ng Saussurean Model ang mga nasuring datos upang matukoy ang dominanteng disenyo at mga tanda na makakapagsabi na isang ngang patók jeepney ang isang dyip. Lumabas sa datos na ang dominanteng disenyo na inilalagay ay ang mga sumusunod: mga karakter mula sa RolePlaying Games , horns o trumpets na aksesorya sa harap o labas ng dyip, padded na kisame at de-tali ang pahinto, asul at pula na kulay ng ilaw sa loob dyip, at panginternasyonal na R&B ang uri ng musika na pinatutugtog. Nagpapahiwatig na nakikiuso sa paglalaro ng mga Role-Playing Games, sa musikang R&B tulad ng mga kanta nila Drake at Chris Brown ang mga patók jeepney para maakit ang mga mananakay sa Rizal. Pinapahiwatig din ang pagkahilig sa kasiyahan at piyesta o party dahil sa aksesoryang nilalagay at sa kulay ng ilaw ng ginagamit sa loob ng dyip. Masasabing ang mga patók jeepneys sa Rizal ay isang behikulo na nagpagpapahayag ng interes at popular na panlasa ng pabrikante, drayber, at mananakay sa nasabing lugar. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Jeepney body designs en_US
dc.title “BOOM na BOOM: isang pag-aaral at pagtukoy sa ikonograpiya ng patók jeepney sa Montalban Rizal en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account