DSpace Repository

Dugo, pundasyon at karpintero: ang ritwal ng padugo sa Distrito II, Lungsod ng Caloocan

Show simple item record

dc.contributor.author Sanchez, Jhunie Pearl V.
dc.date.accessioned 2021-09-17T00:55:28Z
dc.date.available 2021-09-17T00:55:28Z
dc.date.issued 2017-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1129
dc.description.abstract Layunin ng tesis na ito na masagot ang pangunahing suliranin “Bakit at paano nanatiling buhay ang ritwal ng Padugo sa lungsod ng Caloocan?” Layunin ng mananaliksik na ipakita ang mga aspekto ng ritwal ng padugo na nanatili sa buhay at kamalayan ng mga taga-Caloocan, siyasatin at suriin ang aspektong naratibo ng ritwal ng padugo, ipakita kung paano naapektuhan ang ritwal na ito ang proseso ng arkitekturang Pilipino at magpapakita ng mga kaso ng pagsasagawa ng ritwal ng Padugo. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng mga panayam sa mga taong gumagawa at nasaksi ng ritwal ng padugo sa Caloocan. Nagkaroon din ng pananaliksik sa mga aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Maynila -Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Diliman, Unibersidad ng Santo Tomas (UST), Caloocan City Public Library, National Library, at sa pribadong aklatan ng Ayala Museum Filipinas Heritage Library. Gumamit ng tape recorder ang mananaliksik at sa paglaon ay ang pagsulat ng transkripsyon nito. Ang mga datos na nakuha ay inayos bilang mga kaso, nakabuo ng apat na kaso ng tagapagdaloy ang mananaliksik at dalawang kaso ng nakasaksi sa ritwal. Makikita sa mga kaso na ito ang buhay ng tagapagdaloy, ang istruktura at proseso ng pagsasagawa sa ritwal ng padugo, at ang pananaw nila tungkol sa ritwal ng Padugo. Gumawa din ng modelo ang mananaliksik ng proseso ng Padugo ng bawat tagapagdaloy. Sa mga kaso ng nakasaksi makikita ang buhay ng nakasaksi, ang mga pagkakataon na nasaksihan nila ang ritwal ng padugo, paglalarawan sa nakitang proseso ng pagpapadugo at ang pananaw nila tungkol sa ritwal. Gamit ang anggulo ng pagsipat sa ritwal na ipinakilala ni Elyrah Loyola Salanga ng Unibersidad ng Pilipinas sa kanyang artikulo na Buhay-Ritwal:Ang Ritwal sa Kamalayan at Kulturang Pilipino kung saan susuriin ang aspektong naratibo ng isang ritwal(Salanga, 2007) Sinuri ng mananaliksik ang tatlong elemento ng ritwal ng padugo ang dugo bilang batayang ispiritwal, karpintero bilang tagapagdaloy at bahay/gusali bilang materyal na aspekto. Ayon sa mga pagsusuring ginawa sa ritwal ng padugo, masasabing ang mga elementong nanatiling buhay sa buhay at kamalayan ng mga taga-Caloocan ay ang dugo bilang batayang ispiritwal, karpintero bilang tagapagdaloy, at bahay/gusali bilang materyal na aspekto.Nakita na malaki ang ambag ng tagapagdaloy sa pagpasa ng kaalaman tungkol sa ritwal ng padugo. Sa patuloy na pagsasagawa ng ritwal ng Padugo ng mga tagapagdaloy, mayroong mga manonood na nakakakita sa ritwal. Magkakaroon ng kaalaman ang manonood tungkol sa ritwal sa pamamagitan ng panonood dito, ngunit hindi lahat ng manonood ay nagiging tagapagdaloy, sa kalagayan ng mga tagapagdaloy ng Caloocan mayroong limang katangian ang karpinterong tagapagdaloy na naghihiwalay sa kaniya sa mga karpintero lamang ito ang mga sumusunod: (1) mayroong intensyong gawin ang ritwal ng padugo, at (2) mayroon silang paniniwala at paggalang sa mga elemento ng kapaligiran o kalikasan na “hindi nakikita”, (3) hindi sila nanghihingi ng karagadagang bayad sa para sa pagsasagawa sa ritwal, (4) ang kanilang hanapbuhay ay mayroong kinalaman sa konstruksyon, at panghuli (5) sila ay mga lalaki. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Blood letting ritual en_US
dc.subject Philippine culture en_US
dc.title Dugo, pundasyon at karpintero: ang ritwal ng padugo sa Distrito II, Lungsod ng Caloocan en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account