DSpace Repository

Bahay pa ba’to?: isang pagsusuri sa Las Casas Filipinas de Acuzar bilang manipestasyon ng artipisyalidad

Show simple item record

dc.contributor.author Hilario, Rozheanne Cruz
dc.date.accessioned 2021-09-17T01:34:23Z
dc.date.available 2021-09-17T01:34:23Z
dc.date.issued 2018-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1139
dc.description.abstract Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ay isang heritage resort sa Bagac, Bataan na pagmamay-ari ni Jose Rizalino “Jerry Acuzar,” isang kontraktor at kolektor. Sila ay naglilikom ng mga makasaysayang estruktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ilagay sa kanilang lupain at magsagawa ng restorasyon. Sa pag-aaral na ito, tinalakay ang pagkakagawa sa heritage resort at ang kadahilanan sa pagkakabuo nito. Kaugnay ng pagkakabuo ang metodo ng restorasyong ginamit ng Las Casas Filipinas de Acuzar, kaya’t ito ay pinagtuunan din ng pansin ng pag-aaral. Upang masuri ang metodo ng restorasyong inilatag, ginamit ng mananaliksik ang panuntunan ng batas na Republic Act 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009 at ang panuntunan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na pinamagatang Preserving and Restoring Monuments and Historic Buildings sa pagsasagawa ng restorasyon at preserbasyon sa mga makasyasayang estruktura. Napatunayan ng pag-aaral ang manipestasyon ng Artipisyalidad sa pagkakabuo ng heritage resort sa pamamagitan ng Simulation Theory ni Jean Baudrillard. Ayon dito, maiuugnay ang pagkakagawa ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa konsepto ng Disneyfication kung saan ang mga Institusyong Edukasyonal ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo at karanasan upang humikayat ng mga panauhin. Dahil dito, nagkakaroon ng artipisyal na bersyon ng mga kaalamang kanilang inihahain, at ito ang siyang isinasagawa ng Las Casas Filipinas de Acuzar. Maging ang kasalukuyang estado ng mga estruktura na naiiba na sa orihinal nitong gamit ay napatunayang nag-aambag sa Artipisyalidad ng resort na ito. Hindi lamang ang mga konkretong bahagi ng estruktura ang apektado sa restorasyong isinagawa ng resort, kundi maging ang diwa at gamit nito. Maaaring ipinepresenta ng Las Casas Filipinas de Acuzar ang kanilang sarili bilang tagapagtaguyod ng Heritage Preservation ngunit mahihinuha sa pag-aaral na hindi pangunahing layunin ng resort ang restorasyon at pangangalaga ng mga estruktura kundi ang pagiging kawili-wili upang makahikayat ng mga panauhing pumunta sa kanilang resort at malibang sa kanilang pasilidad at serbisyo. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Las Casas Filipinas de Acuzar en_US
dc.subject Heritage resort en_US
dc.title Bahay pa ba’to?: isang pagsusuri sa Las Casas Filipinas de Acuzar bilang manipestasyon ng artipisyalidad en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account