dc.description.abstract |
Nilayon ng pananaliksik na ito na maglahad ng isang masaklaw na pag-aaral at pag-unawa sa mga pamamaraan sa panggagamot ng Sambal Ayta sa Baytan, bago pumutok ang bulkang Pinatubo, at sa Loob-Bunga Resettlement Area, pagkalipat nila ng tirahan dito. Sinuri nito ang mga salik na umiipluwensya sapatuloy na pagtangkilik sa etnomedisina sa kabila ng pagpasok ng modernong medisina at ang mga implikasyon nito sa kanilang paniniwala. Ang metodo ng pananaliksik ay interpretibong etnograpiya at ang mga paraan ng pagkuha ng datos ay malalimang pagtatanong/pakikipanayam (in-depth interview), samasamang pakikipanayam (focus group discussion), nakikisalamuhang pagmamasid (participant-observation) at pagkuha ng mga larawan (visualethnography). Tinangkilik ng mga Ayta ang pag-aanito at gamot-bundok sa Baytan samantalang sa Loob-Bunga o Banwa ay magkaakibat na ang katutubo at modernong medisina. Pinagpatuloy nila ang etnomedisina dahil: (1) Ito ay nakasanayan na at kultura; (2) Ito ay mabisang panlunas at hiyang dito ang maysakit; at (3) Ito ay abot-kaya-mura at libre. Tinangkilik naman ng mga Ayta ang modernong medisina dahil: (1) Libre ang ilang tableta sa barangay at ang pagpapa-opera sa munisipyo; (2) May mga sakit na hindi nagagamot ngetnomedisina; (3) Mabisa rin ito bilang panlunas ng sakit. Ang mga teoryangnagsilbing lente sa pagsuri ng mga datos ay ang Cultural Ecology at Social Cognitive. Ang mga salik na nakaapekto sa pamamaraan sa panggagamot ay ang migrasyon ng mga Ayta, ang pagbabago sa pamumuhay, at ang pag-angkop nila sa kultura ng mayorya, ng mga Unat. Hinihikayat ng pananaliksik na ito namag-Balik Kultura, Balik Komunidad sa Baytan ang mga Ayta upang ang kanilang mga kaalaman sa katutubong panggagamot ay magamit, maipasa at hindi makalimutan. |
en_US |