dc.description.abstract |
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay idokumento ang pamumuhay,
trabaho, paniniwala, at mga kinagawian ng mga nagtutulak ng
trolley sa Sta. Mesa, Maynila na kung saan ito ay ibinibilang na
pangunahing sasakyan ng mga pasahero sa kanilang pupuntahan.
Nauso ang ganitong alternatibong sistemang pantransportasyon
dahil sa kakulangan ng pampublikong sasakyan. Gamit ang
perkspektibo ni Marvin Harris na Cultural Materialism bilang
isang teoretikal na basehan sa pag-aaral, nagkalap ng datos sa
pamamagitan ng malalalimang interbyu sa mga nagtutulak ng
trolley na may edad 18 pataas na taong gulang, na kung saan ang
trolley ang pangunahing pinag-kakakitaan. Ang pag-aaral ay
ginamitan ng deskriptib kwaliteytib na disenyo at ang inalisa
ang mga resulta sa pamamagitan ng pagkuha ng mga karaniwang
tema. Ang resulta ay nagsasabi na nakakaramdam ng mga hamon ang
nagtutulak ng trolley pagdating sa usapin ng
pisyolohikal,trabaho, tirahan, at pagkain. Sa pag-silip naman sa
kanilang kultura makikita na mayroon silang organisasyon,
pananaw, pamantayan, at patakaran sa pagtotrolley. |
en_US |