Abstract:
Kalahati ng populasiyon ng mga kabataang wala sa paaralan ay binubuo ng mga mula sa mahihirap na pamilya. Batay sa mga pananaliksik, nakita na ang aspekto patungkol sa ekonomiya, kultura, kasariian, at pansarili ang siyang mga salik sa hindi pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga maralita. Dapat saliksikin ang sitwasiyong ito dahil ang edukasiyon ay isa sa mga paraan upang mapa-unlad ang isang indibidwal at kanyang pang-ekonomikong kalagayan sa lipunan. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng agham-dalub-asal na perspektiba; sa pamamaraang ito magkakaroon ng bagong pag-unawa sa sitwasiyon. Layon ng pananaliksik na matukoy ang ibat-ibang kadahilan ng hindi pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga miyembro ng komunidad. Quantitative ang metodolohiyang ginamit at deskriptib naman ang disenyo ng pananaliksik. Lumahok ang 80 mamamyan ng Creek Drive 1 na sumagot ng 50 tanong na sarbey. Ang datos ay sinuri sa Statistical Package for the Social Sciences (SPSS). Base sa resulta mga pampinansyal na aspekto ang nakaaapekto sa pag-aaral. Naapektohan ng kahirapan ang iba pang aspekto ng buhay kaya mas nagiging negatibo ang iba pang aspekto ng buhay. Bukod dito nakaapekto rin ang kaisipan, kasarian, kalusugan, pangaabuso sa pag-aaral nila.