Abstract:
Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas kaya naman ang mga ito’y nais gawing lugar pang-ekoturismo ng pamahalaan upang maipakilala sa buong mundo. Ang mga proyektong pang-ekoturismo umano ang magbibigay proteksiyon sa mga magagandang tanawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ngunit sa kabila naman ng proteksiyong maibibigay sa kalikasan ay ang pagkasira ng kabuhayan ng mga mamamayang naapektuhan at maaapektuhan. Wala ding kasiguraduhan kung mapoproktehan ang kalikasan dahil sa karanasan mas lalo lamang itong nasisira dahil sa mga proyektong ito. Gaya ng iba pang lugar, isa ang Lawa ng Taal sa mga pinakamagandang likas na yaman ng bansa. Kaya naman ang pamahalaan ay nagpupursigeng idebelop at ienderso ito sa buong mundo bilang isang pangunahing lugar panturismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang
proyekto, ang Integrated Master Plan for Taal-Tagaytay (IMPTT) o mas kilala bilang Metro Taal-Tagaytay Development Plan (MTTDP). Naglalayon umano itong mapabuti ang kalagayan yaman ng lawa at kabuhayan ng mga taong nakapaligid dito. Ngunit imbes na
mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan sa lugar, kawalan ng tirahan at kabuhayan ang
naidulot nito at maidudulot pa. Gaya na lamang ng mga kaganapan sa anim na lakeshore
barangay ng Tanauan kung saan may mga pinalayas na at nakaamba pang palayasin dahil sa
proyektong ito. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang mga sosyo-ekonomikog epekto ng
MTTDP sa mga mamamayan sa anim na lakeshore barangay ng Tanauan City sa lalawigan ng
Batangas. Sa pag-aaral na ito’y napatunayang walang kabutihang naidulot at maidudulot ang
proyektong nabanggit sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang mamamayang naapektuhan at
maaapektuhan sa anim na lakeshpore barangay.