Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga dahilan sa likod ng patuloy
na pagkapanalo ng pamilyang Binay sa Lungsod ng Makati sa kabila ng mga isyu sa
pamunuang ito at sa kabila ng kaalaman ng mga taong nagiging isang dinastiya na ng
pamilyang ito ang lungsod. Ang Lungsod ng Makati ay isang malaking lungsod sa aspeto
ng populasyon, lupain at sa kinikita nito at ang tanging pinuno na nakakahawak ng
kapangyarihan na mamahala nito ay ang pamilyang Binay sa loob ng dalawampu’t
limang taon.
Ang pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng sarbey at sa
pamamagitan ng mga panayam sa ilang mga naninirahan sa lungsod. Sumanguni rin sa
mga aklat na naaayon sa pag-aaral na ito. Ang pag-iral ng dinastiyang pulitikal ay isang suliranin sa lipunan kaya naman dapat ay mapigilan ito.