Abstract:
Tuloy-tuloy ang pagmomodemisa ng buong mundo, at ito ay dahil sa patuloy ding
pag-unlad ng teknolohiya. Upang makasabay sa modemisasyon, maging ang pisikal na
kalagayan ng mga lugar ay binabago. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagbabagong
ginawa sa isa sa mga pinakamahalagang imprastraktura ng Lungsod ng Pasig, ang
pampublikong pamilihan. Nais ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na itulad ang
pinakamalaking palengke ng Pasig sa isang mall. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin
kung ang pagbabagong ito sa isa sa mga bumubuhay sa ekonomiya ng lungsod ay nakabuti o hindi sa mga mamamayan ng Pasig. Tutukuyin ang kabuuang epekto ng pagbabago sa mga mamimili at mga nagtitinda. Mahalagang pag-aralan ang pagbabago sa imprastraktura
at patakaran sa loob ng palengke upang ikonsiderang muli ng mga opisyal ng Lungsod ng
Pasig kung ang mga ito ba ay nakatulong o nakasama pa sa sosyo-ekonomikong kalagayan
ng mga mamamayan. Upang magkaroon ng kongkretong resulta, nagsagawa ang mananaliksik ng sarbey
sa mga mamimili at interbyu sa mga nagtitinda. Sa pamamagitan nito, nalantad ang naging
kabuuang epekto ng pagbabago sa pampublikong pamilihan sa mga mamimili at nagtitinda. Sa huli, nailantad ng pag-aaral na ito na hindi mabuti ang kabuuang epekto ng
pagbabago ng palengke ng Pasig sa mga mamamayan lalo na para sa mga nagtitinda. Sa
halip na makabuti ito upang umunlad ang kanilang kalagayan, nakasama pa ito sa kanilang
kabuhayan.