Abstract:
Isa sa malalang problema sa kasalukuyan ng lipunang Pilipino ay ang lugar na kanilang tinitirhan. Ito ay sapagkat hindi lahat ay may kakayahan na makapagpatayo ng
kanilang sariling mga bahay; iilan lamang ang may kakayahan na gawin ito at sa huli,
mayorya ang nagtitiis na mangupahan na lamang. Ito ay sa kabila ng katotohanang marami sa ating mga Pilipino sa kasalukuyan ang bumubuo sa mahirap na populasyon ng bansa; nangangahulugan na limitado ang aspeto o ang kakayahang pampinansiya ng
bawat indibidwal o mag-anak. Sa huli, ang ilan sa mga kababayan nating Pilipino ang naglalakas-loob na manirahan sa mga lugar na kung tawagin ay iskwater, isang terminong ginagamit upang tumukoy sa isang komunidad ng mga taong nagsama-sama upang makapagpatayo ng mga bahay na yari lamang sa pinagdikit-dikit na kahoy, yero,
plastik at goma. Pinagtitiisan nilang manirahan sa mga lugar na ganito dahil na rin sa ito
ang pinakahuling altematibo na kanilang nakikita upang matugunan at magsilbing
solusyon ukol sa kanilang problema sa lugar na kanilang matitirhan. Isang problemang
marapat lamang na tugunan ng pamahalaan at maging katuwang ng mga maralitang taga-
lungsod gaya ng sa komunidad ng Baseco Compound sa Port Area, Manila. Ngunit sa katotohanan ay hindi ganito ang nangyayari. Bagkus, ang programang pabahay sa kasalukuyan ng pamahalaan at ng mga organisasyong kanyang nagiging katuwang ay nagsisilbi pang mekanismo upang pagkakitaan ang mga taong labis na nga’ng naghihirap. At sa pag-aaral na ito’y masusing titingnan kung naging epektibo nga ba o hindi ang
naging proyektong pabahay sa komunidad ng Baseco.