DSpace Repository

Isang Pag-aaral tungkol sa Epekto ng Programang Pabahay ng Habitat for Humanity sa komunidad ng Baseco Compound, Port Area, Manila

Show simple item record

dc.contributor.author Villasor, Anna Rosella M.
dc.date.accessioned 2022-10-25T02:33:17Z
dc.date.available 2022-10-25T02:33:17Z
dc.date.issued 2006-08
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1740
dc.description.abstract Isa sa malalang problema sa kasalukuyan ng lipunang Pilipino ay ang lugar na kanilang tinitirhan. Ito ay sapagkat hindi lahat ay may kakayahan na makapagpatayo ng kanilang sariling mga bahay; iilan lamang ang may kakayahan na gawin ito at sa huli, mayorya ang nagtitiis na mangupahan na lamang. Ito ay sa kabila ng katotohanang marami sa ating mga Pilipino sa kasalukuyan ang bumubuo sa mahirap na populasyon ng bansa; nangangahulugan na limitado ang aspeto o ang kakayahang pampinansiya ng bawat indibidwal o mag-anak. Sa huli, ang ilan sa mga kababayan nating Pilipino ang naglalakas-loob na manirahan sa mga lugar na kung tawagin ay iskwater, isang terminong ginagamit upang tumukoy sa isang komunidad ng mga taong nagsama-sama upang makapagpatayo ng mga bahay na yari lamang sa pinagdikit-dikit na kahoy, yero, plastik at goma. Pinagtitiisan nilang manirahan sa mga lugar na ganito dahil na rin sa ito ang pinakahuling altematibo na kanilang nakikita upang matugunan at magsilbing solusyon ukol sa kanilang problema sa lugar na kanilang matitirhan. Isang problemang marapat lamang na tugunan ng pamahalaan at maging katuwang ng mga maralitang taga- lungsod gaya ng sa komunidad ng Baseco Compound sa Port Area, Manila. Ngunit sa katotohanan ay hindi ganito ang nangyayari. Bagkus, ang programang pabahay sa kasalukuyan ng pamahalaan at ng mga organisasyong kanyang nagiging katuwang ay nagsisilbi pang mekanismo upang pagkakitaan ang mga taong labis na nga’ng naghihirap. At sa pag-aaral na ito’y masusing titingnan kung naging epektibo nga ba o hindi ang naging proyektong pabahay sa komunidad ng Baseco. en_US
dc.title Isang Pag-aaral tungkol sa Epekto ng Programang Pabahay ng Habitat for Humanity sa komunidad ng Baseco Compound, Port Area, Manila en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account