Abstract:
Ang pag-aaral na ito na naglalayon na malaman ang mga natitirang etnomedikal na kasanayan ng Canumay Remontado at ang mga dahilan kung
bakit nananatili pa din ang mga kasanayan at paniniwalang ito sa gitna ng
bagbabago. Etnograpiya ang ginamit na metodolohiya upang makalap ng
irrpormasyong kinakailangan upang mabigyang kasagutan ang mga adhikain
ng pag-aaral na ito. Ang pakikipanayam sa mga katutubong manggagamot at
sa mga nagpapagamot ay ginawa upang makakuha ng mas malalim na pang-unawa at kasagutan ukol sa etnomedikal na kasanayan ng Canumay Remontado. Nakita sa pananaliksik na ito na ekomiya, tradisyon, at ang pagnanais
na mapanatili ito ang tatlong dahilan kung bakit nananatili pa din ang ilang
katutubong panggagamot ng Canumay Remontado tulad ng bulong at buga.