DSpace Repository

Isang Kritikal na Pag-aaral ukol sa Paggamit ng Bata sa Paggawa sa Sektor ng Agrikultura sa Victoria, Laguna

Show simple item record

dc.contributor.author Alfonso, Andrian A.
dc.date.accessioned 2022-11-21T03:06:33Z
dc.date.available 2022-11-21T03:06:33Z
dc.date.issued 2011-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1795
dc.description.abstract Kahirapan pa rin ang nanatiling pangunahing dahilan kung bakit may mga bata na sa halip na pumasok sa paaralan ay natututong maghanap-buhay at tumulong sa kanilang mga magulang. Sa kanilang murang edad, namulat na ang mga batang ito na kinakailangang palakihin ang kita ng kanilang pamilya para matugunan ang kanilang kolektibong pangangailangan. Lubhang mas bulnerable ang mga batang manggagawa mula sa panganib na maaaring maidulot ng kanilang gawain kung ihahambing sa mga nakatatanda sa kanila. Nasa yugto pa rin ng paglaki at pag-unlad ang kanilang mga katawan at kinakailangan pa rin nilang matutong magbasa at magsulat upang maging mga produktibong indibidwal ng ating lipunan. Sa kabila ng regulasyon ng pamahalaan, nananatiling mahalagang usapin ang paggamit ng bata sa paggawa na nangangailangan ng masusing pagsisiyasat at maayos at episyenteng implementasyon ng mga batas at polisiya ukol rito. Sa ilang pagkakataon, maituturing pa rin na may malaking agwat o "gap" sa pagitan ng batas at sa pagsasapraktika nito. Ang materyal na kondisyon ng kahirapan ang humuhubog sa kultura ng pagtanggap ng mga tao sa kanayunan sa tuwing makakakita sila ng mga batang manggagawa sa bukid. Hindi na kakaiba para sa kanila ang penomena ng child labor. At dahil naging parte na ito ng kultura sa isang komunidad, nararapat lamang na maging mas kumprehensibo ang hakbangin ng pamahalaan upang masugpo ito. en_US
dc.title Isang Kritikal na Pag-aaral ukol sa Paggamit ng Bata sa Paggawa sa Sektor ng Agrikultura sa Victoria, Laguna en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account