Abstract:
Ang sektor ng agrikultura partikular sa kalagayan ng mga magsasaka sa kasalukuyang panahon, ay nakakadanas ng hirap at matinding pandaigdigang krisis. Ang mga magsasaka na kung saan sila ang mayor na produser ng mga kalakal tulad ng prutas at gulay na iniaangkat sa ibang bayan at nakakadagdag kita sa bayan ay siyang dahilan din kung bakit tayo nakakakain ng mga masusustansiyang gulay at prutas. Sila na nakakaranas ng kagyat na pag-angkop sa pwersa ng produksyon na mahigpit nilang kinakailangan upang mabuhay ang sektor ng agrikultura, ang pagsasaka. Nang sumali ang Pilipinas sa globalisasyon, lalo pang nakapagpatindi ito ng kahirapang at ang nagsisisulputang mga proyekto na pang-ekonomiyang pangkaunlaran.
Ang pag-aaral na ito- ay tumatalakay sa mga magsasaka ng gulay at prutas sa Tanauan City, Batangas partikular sa kanilang kalagayan bilang mga manggagawang bukid. Tinatalakay din dito ang karanasan, hamon at epekto ng proyektong CALABARZON na may kinalaman sa globalisasyon.