dc.description.abstract |
Hindi maikakailang laganap na laganap na sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa mundo ang problema ng “child labor” o “paggawa ng bata”. Ang suliraning ito ang kumakain sa maganda at malawak pa sanang kinabukasan ng mga batang nagiging
biktima nito. Isa sa napakaraming mukha nito ay ang pagiging isang batang kasambahay.
Mula sa iba at mga nauna nang pag-aaral, ang primarya o nangunguna pa ring dahilan ng
paglobo o paglala ng “child labor” ay ang kahirapan. Dahil sa kawalan ng pera ng mga
magulang, bunga ng kawalan ng oportunidad at maayos na trabaho, hindi nila
makayanang tustusan ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya, maging ang mga
pangunahing mga pangangailangan ng mga ito tulad ng pagkain, tahanan at mga damit.
Dahil sa ganitong sitwasyon, nahihinto sa pag-aaral ang mga bata para maghanapbuhay
sa gayon ay makatulong sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa sosyo-ekonomikong dahilan ng pananatili ng “child
labor” o paggawa ng bata batay sa mga batang kasambahay sa Batangas City.
Nilalayong alamin ng pag-aaral na ito ang mga dahilan kung bakit sila maagang
nasasabak sa pagtatrabaho at kung dahil sa pagtatrabahong ito ay naaapektuhan ang
kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito ay malalaman ang mga dahilan kung bakit
magpasahanggang ngayon ay nananatili pa rin ang “child labor” sa nangungunang
suliraning kinakaharap ng ating bansa. Makakatulong din ito upang mamulat at mapataas
ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa tunay na kalagayan ng mga bata sa bansa
gayundin ng mga ahensiya ng pamahalaan at sana ay magbigay-daan ang pagkamulat na
ito sa kanilang pagkilos at pagpapartisipa sa abot ng kanilang makakaya upang masugpo
ang problemang ito ng ating bansa. |
en_US |