Abstract:
Bahagi na ng kulturang Pilipino, bilang isang demokratikong bansa, ang pumili at
maghalal ng mga pinuno tuwing sasapit ang halalan. Ang mga pulitikong ito ang siyang
inaasahan ng taong-bayang na mag-tataguyod ng kanilang interes at saloobin. Sa pagdaan ng
mga taon nasakihan ng Pilipinas ang maraming pagbabago at transisyon sa kaniyang
sistemang pampulitikal. Ang elitistang uri ng pulitika sa bansa na nagsimula pa noong panahon ng Kastila ay
tuluyang nadala hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang pagtanda sa pwesto ng mga
miyembro ng Kongreso noong panahon ni dating Pangulong Marcos ang siyang nagbigay
daan upang buksan ang mga pinto ng Lehislatura para sa mga batang lider na nais makapasok
dito. Ang kanilang batang edad ang siyang nagsilbing sandata para sa kanilang layunin na
maluklok sa pwesto. Ang generational shift na naganap noong 11th at 12th na Kongreso ang nagpasok sa mga kaanak ng mga dati ng pulitikong nakaupo sa posisyon. Itong mga young reformists na ito o iyong mga new blood na siyang dapat instrumento ng tunay na pagbabago ay nagiging bulnerable sa paglamon ng bulok na sistema. Itinuturing din silang “term breakers” na gumagamit ng tradisyunal na pamumulitika sa loob ng bansa. Maraming naging pakahulugan ang salitang traditional politician o TRAPO. Ngunit
kung tunay nga bang TRAPO o hindi TRAPO ang isang batang pulitiko, walang kategorikal
at konkretong kasagutan. Laging may kwantipikasyon na hindi nakasandig o nakasalalay sa
edad ang paggamit ng tradisyunal na pulitika maging bilang sukatan ng pagiging isang
mahusay at mabuting pinuno sa gobyemo.