Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa kagustuhan ng mananaliksik na malaman ang estado
ng student activism sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas - Maynila at upang malaman kung ang
Unibersidad ba ay pumipigil sa pag-usbong ng aktibismo dito. Bilang isang kampus ng
Unibersidad ng Pilipinas, kilala rin ang UP Maynila dahil sa student activism.
Gumamit ng survey at Key Infomant Interview (KII) ang mananaliksik bilang mga
instrumento sa pagkuha ng datos. Ang teyoryang Social Constructivism ang ginamit na teyorya
sa pagtingin at pag-analisa ng buong pag-aaral. At dahil sa pagkakaroon ng bukas na katangian
ng UP, hindi lamang mga mahihirap ang bumubuo sa komunidad ng UP, mayroon din ditong
mas mataas na uri, o yaong mga mala-burgis na tinatawag na upper middle class. Ang pag-angat
ng uring ito ang nagsimula ng tunggalian sa loob ng kampus o counter politics.
Dahil sa mapaniil na katangian ng administrasyon ng UP Maynila, na may katangian ding
upper middle class, ang mga nais ihain ng mas mababang uri ay hindi maipalaganap. Ang
Chancellor ng UP Maynila mismo ang nagsasapribado ng Unibersidad na dapat ay nananatiling
State University o isang unibersidad na nilalaanan ng malaking pondo ng gobyemo. Dahil sa
Tuition and Other Fee Increases (TOFI), mas dumami ang mga mag-aaral na nabibilang sa
upper middle class. Ang kulturang ito ng UPM ang bumubuhay sa interes ng mga mayayaman at
nagiisantabi ng mga karapatan ng mas mababang uri; manipestasyon ng pagpigil ng Unibersidad
ng Pilipinas - Maynila sa student activism.