DSpace Repository

BAWAL Ang Aktibismo ng mga Estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas - Maynila

Show simple item record

dc.contributor.author Canamo, Ijiran Khan Cuadra
dc.date.accessioned 2023-01-23T02:15:32Z
dc.date.available 2023-01-23T02:15:32Z
dc.date.issued 2010-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1914
dc.description.abstract Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa kagustuhan ng mananaliksik na malaman ang estado ng student activism sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas - Maynila at upang malaman kung ang Unibersidad ba ay pumipigil sa pag-usbong ng aktibismo dito. Bilang isang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, kilala rin ang UP Maynila dahil sa student activism. Gumamit ng survey at Key Infomant Interview (KII) ang mananaliksik bilang mga instrumento sa pagkuha ng datos. Ang teyoryang Social Constructivism ang ginamit na teyorya sa pagtingin at pag-analisa ng buong pag-aaral. At dahil sa pagkakaroon ng bukas na katangian ng UP, hindi lamang mga mahihirap ang bumubuo sa komunidad ng UP, mayroon din ditong mas mataas na uri, o yaong mga mala-burgis na tinatawag na upper middle class. Ang pag-angat ng uring ito ang nagsimula ng tunggalian sa loob ng kampus o counter politics. Dahil sa mapaniil na katangian ng administrasyon ng UP Maynila, na may katangian ding upper middle class, ang mga nais ihain ng mas mababang uri ay hindi maipalaganap. Ang Chancellor ng UP Maynila mismo ang nagsasapribado ng Unibersidad na dapat ay nananatiling State University o isang unibersidad na nilalaanan ng malaking pondo ng gobyemo. Dahil sa Tuition and Other Fee Increases (TOFI), mas dumami ang mga mag-aaral na nabibilang sa upper middle class. Ang kulturang ito ng UPM ang bumubuhay sa interes ng mga mayayaman at nagiisantabi ng mga karapatan ng mas mababang uri; manipestasyon ng pagpigil ng Unibersidad ng Pilipinas - Maynila sa student activism. en_US
dc.title BAWAL Ang Aktibismo ng mga Estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas - Maynila en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account