Abstract:
Bawat isa sa mga drayber dito sa ating bansa ay nabubuhay sa pamamasada sa
ating lansangan upang makakuha ng sapat na kita para sa pangangailangan ng kanilang
sariling pamilya. Ngunit sa sobrang dami ng problema na kanilang kinakarap ito ay
nagdudulot ng paghihirap sa kanilang pamumuhay lalo na sa kanilang sariling pamilya.
Makikita rito ang ilan sa mga problema ng lubhang nakakaapekto sa kanilang
pamumuhay at higit sa lahat sa kanilang kinikita sa pang-arawaraw na pamamasada. Sa
lahat ng problemang ito na kinakaharap ng ating mga dyipni drayber ang lubhang
naaapektuhan ay ang kanilang kita na kung ating makikita karamihan ay hindi sapat ang
kanilang kinikita para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ban sa mga problemang ito ay
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa pagpapatupad ng Oil Deregulation
Law na alam naman natin na pangunahing kinukonsumo ng isang drayber. At dahil sa
pagtaas ng presyo ng mga gasolina halos lahat ng kita ng mga drayber ay napupunta
lamang sa mga kumpanya ng langis. At dahil sa pagtaas ng presyo ng langis
naaapektuhan nito ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating bansa at dahil dito
nagdudulot ito ng pagtaas din ng mga presyo. Andyan pa ang mga hindi maayos na
pamamalakad ng ating gobyemo lalo na sa usapin sa batas trapiko. Ilan dito ay ang
usapin sa pagbabayad ng multa sa tuwing lumalabag sa batas trapiko ang mga dyipni
drayber. Andyan din ang mga colorum at ”out-of-line” na mga dyipni na patuloy na
kumakain at kumukuha ng kita ng mga ligal na dyipni drayber. At ang usapin ng
pagbabayad ng boundary na kung minsan ay nagiging dahilan din upang mas lumiit ang
kanilang kinikita sa isang araw na pamamasada. Dahil sa mga suliraning ito tulad ng pagtaas ng presyo ng gasolina at pangunahing
bilihin makikita na ang kita ng isang dyipni drayber sa isang araw na pamamasada ay
hindi sapat at bumababa. At dahil sa pagbaba ng kita ng isang dyipni drayber ito ay hindi
sapat upang mabuhay at makuha ang mga pangangailangan sa araw-araw
Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang "Ekonomiyang Politikal ng mga Dyipni
Drayber” ay naglalaman at tumatalakay sa kasalukuyang katayuan ng pamumuhay ng
isang simpleng dyipni drayber sa ating bansa na kung ating makikita ay isang kahig isang
tuka ang kanilang uri ng buhay. Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang ugat ng
problema ng mga dyipni drayber na may rutang Guadalupe at Sta. Ana. Ang mga drayber
na ito ay kakapamayamin sa pamamagitan ng mga palatanungan upang mas makakuha ng
mga impormasyon na makakapagpalinaw sa pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong para masolusyunan ang mga problema na nararanasan ng ating mga
kapatid na dyipni drayber at maaaring makapagpabago ng kanilang pamumuhay.
Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga susunod na mag-aaral na magsasaliksik ng
paksang may kaugnayan dito. Hindi natin matatawaran ang pagod at tiyaga ng ating mga
dyipni drayber na kumakayod sa maghapon upang mapunan ang pangangailangan ng
kanilang sariling pamilya. Kinakailangan na makagawa ng maayos na paraan ang ating
gobyemo upang maiaahon sa kahirapan ang pamumuhay ng dyipni drayber.