Abstract:
Ang pag-aaral na ito tungkol sa Pangingibang-pook ng mga Muslim sa Quiapo, Maynila
ay ipinakita ang mga dahilan ng paglipat ng paninirahan at kalagayan ng pamumuhay ng
mga Muslim dito. Ang sosyo-ekonomikong aspeto ang pangunahing dahilan ng
kanilang pangingibang-pook sa Kalunsuran upang makapagtrabaho at makatulong sa
pamilya. Ang pangunahing polisiya ng pamahalaan tungkol sa patuloy na paglipat ng
mga tao sa Kalunsuran ay ang pabalikin sila sa probinsya sa pamamagitan ng
pagpapaunlad sa mga lugar na ito. Ngunit ang mga polisiya ng pamahalaan ay hindi
naging matagumpay dahil sa ilang malalaking kumpanya lamang ang nakakagamit at
nakikinabang dito. Sa kasalukuyan, ang malaking bilang ng mga Muslim ay nasa Quiapo at karamihan sa
mga ito ay nagsasabing mayroon silang maayos na pamumuhay dahil kumikita sila ng sapat para sa kanilang pamilya. At kung papipiliin silang manirahan sa probinsya o sa Maynila ay mas nanaisin nilang manatili sa kalunsuran dahil nandito ang oportubidad
para sa mas maayos na buhay sa kabila ng tahimik at mas murang kabuhayan sa
Kabukiran.