dc.description.abstract |
Ang mga mamamayang Tagalog, kabilang ang mga naninirahan sa mga
probinsiya ng Batangas, Rizal, Quezon at Laguna, ay kilalang mayaman sa likas na
yaman at kultura. Kabilang sa mga ito ang mga mamamayan sa bayan ng Siniloan sa
Laguna, nakikinabang at ikinabubuhay ng mga tao ang kanilang paligid kung saan katabi
lamang nila ang Laguna de Bay at ang kabundukan ng Sierra Madre, kaya naman ang
mga baying ito ay mayaman din sa mga kakaibang paniniwala at tradisyong pinakikiisa
sa kanilang kapaligiran. Sa pag-aaral na ito, tinugon ang suliranin na wala pang
nagdodokumento at nag-aaral ng mayamang kulturang ito ng Siniloan, bukod sa pag-
iipon ng mga kalinangang-bayang ito, layon din ng pag-aaral na sagutin ang tanong na
kung ano ba ang pangunahing diwang namumutawi sa mga kalinangang-bayang ito. Sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng obserbasyon, pananaliksik at panayam sa
mga mamamayan ng Siniloan ay kinolekta ang mga datos tungkol sa mga kalinangang-
bayan na ito at sa huli ay sinuri upang humalaw ng isang pangunahing diwa, ang diwa ng
pakikipagkapwa na siyang prominente sa bawat kaugalian at gawain ng mga taga-
Siniloan. Napag-aralan na sa mga kalinangang-bayang ito, gaya ng kanilang mga alamat,
mga pagdiriwang at pagtitipong-bayan at sa mga kilalang pigura sa bayan, na ang halos lahat ng kanilang gawain ay ginagawa ng sama-sama at hindi ng iisang tao lamang, na palagi nilang kaakibat ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at kababayan, at ang
pagsasama-sama nilang ito ay hindi basta basta lamang kung hindi isang malalim na
pakikiisa at pag-uugnay ng sarili sa kanyang kapwa. Kung gayon, buhay na buhay ang
konsepto ng kapwa sa mga kalinangang-bayan ng Siniloan. |
en_US |