dc.description.abstract |
Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay kung paano nailalarawan ng
mga simbolo ng Batangas, partikular ang kape, baboy at tao, ang konsepto ng barako sa
nasabing lalawigan. Sinuri ng mananaliksik ang historikal at etnograpikal na salik sa
pagsusuri ng lalim ng kabarakuhan ng mga Batangan.
Inumpisahan ng mananaliksik ang pag-aaral sa pagsilip sa heograpiya at maikling
kasaysayan ng lalawigan dahil importante rin ang mga ito upang lalong maintindihan ang
kultura na mayroon sa nasabing lugar. Sunod, isa-isang tiningnan ng manunulat ang mga
simbolo ng Batangas sa pamamagitan ng mga nauna nang tala na naisulat at sa pagpunta
sa mga piling bayan ng Batangas upang manaliksik (field research). Pinalitaw niya sa
kanyang tsart ang mga katangian ng bawat simbolong ito na nagpapatunay ng
kabarakuhan ng mga Batangan. Layunin ng mananaliksik na magkaroon ng malalim na pag-unawa ang mga
mambabasa tungkol sa kulturang barako sa Batangas. Sa tulong ng pag-aaral na ito,
nawa’y hindi na lamang basta nakagawian at tinanggap na imahe ng Batangas ang kape,
baboy at Batangueno kundi maitatanim ang bawat isa sa malalim na pundasyon ng
kulturang Batangan. Naniniwala ang manunulat na bagama’t isang uri ng kultura ng isang
lalawigan lamang ang pokus ng papel na ito, makakatulong ito upang magkaroon ng higit
na malawak na pagtanggap ang bawat Pilipino sa kaniyang kasarinlan dahil sa totoo’y
sinasalamin nito ang isang mukha ng pagiging isang Pilipino, matapang.. .barako. |
en_US |