dc.description.abstract |
Layunin ng pag-aaral na ito na ipakita ang mga alamat ukol kay Maria Velez
sa aspeto nitong mitikal at pangkasaysayan, kasama na ang pagbabahagi ng mga
pananaw, paniniwala, at pang-unawa ng mga tao sa Mariveles, Bataan ukol dito. Sa
pamamagitan ng mga ito, mauunawaan ang kamalayan ng mga taga-Mariveles.
Layunin ding alamin kung ano ang bahagi ng kultura at sining ng bayang Mariveles
ang kaugnay sa alamat ni Maria Velez. Upang masagot ang pangunahin at sekondaryong suliranin sa pag-aaral,
isinagawa ang mga sumusunod na hakbangin: kumuha ng mga impormasyon at
detalye mula sa mga babasahin, sa pamayanan, at sa mga taong nagpaunlak na sila
ay makapanayam; mula sa pamamaraang ito ay kinuha ang iba’t-ibang bersyon ng
alamat ukol kay Maria Velez, kasama na ang mga saloobin ng mga residente tungkol
dito; nakatulong din sa pag-aaral ang pagsangguni sa kasaysayan ng kanilang
bayan at ng lalawigan. Ang datos na nakuha ay sinuri sa paraang paglalarawan,
at pagbibigay-kahulugan. Upang mapatotohanan
interpretasyon
ang
mga
impormasyong nakalap ay sumangguni sa komunidad na may kinalaman sa paksa. Sa pagtatapos, napag-alaman sa pag-aaral na mas matimbang ang aspetong
mitikal ng mga alamat ukol kay Maria Velez, subalit mayroon din itong munting
batayan sa kasaysayan na kailangan pang pag-aralan ng mas malalim. Natuklasan
na ang kanyang kuwento ay ibinatay din sa isang mas lumang kuwento. Napag-
alaman din na ang alamat ni Maria Velez ay sumasakop din sa kamalayang
pampook at hindi lamang sa dimensiyong mitikal at pangkasaysayan. |
en_US |