DSpace Repository

Ang Tradisyon ng ‘Putong Polo’ so Lungsod ng Valenzuela

Show simple item record

dc.contributor.author Mercado, Chrismond Sambrano
dc.date.accessioned 2023-04-24T02:41:53Z
dc.date.available 2023-04-24T02:41:53Z
dc.date.issued 2008-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2093
dc.description.abstract Ang katanungan ng pag-aaral ay “Paano mauunawaan ang tradisyon ng Putong Polo sa lungsod ng Valenzuela?" Upang masagot ang katanungang ito, nagsagawa ng sumusunod na kaparaanan: (1) Sa pagkalap ng datos, nagsagawa ng pakikipanayam sa daiawang pangunahing impormante. Sila ay sina Maria Teresa Nieva Mendoza na mas kilala bilang Nanay Tess, at Yolanda Gutierrez na mas kilala bilang Nanay Yolie. Snowball technique ang ginamit na pamamaraan sa pagpili ng kakapanyamin kung saan, ang mga taong kinapanayam na ay hiniling na magrekomenda ng iba pang too na sa pagkakaalam nila ay may kaalaman sa paksa at patuloy ang prosesong ito hanggang nakalikom ng sapat na bilang ng kakapanayamin at higit sa lahat, ng sapat na datos. Nakalikom rin ang mananaliksik ng ilang mga datos sa mga akdang naisulat na patungkol sa paksa. (2) Sa pagsusuri ng datos, nagsagawa ng thematic analysis at conceptual analysis. (3) Sa pagtasa ng mga datos, naayon ito sa key informant sourcing. Pagkatapos masuri at mabigyang-interpretasyon ang mga datos, lumabas na maaring maunawaan ang tradisyon ng Putong Polo sa pamamagitan ng pag-alam sa mga sumusunod na pangunahing elemento: (1) origin o pinagmulan nito, na ito ay ang lugar ng Polo o lungsod ng Valenzuela, sa kasalukuyan (2) kaparaanan ng paggawa ng Putong Polo, na maaaring ibuod sa mga sumusunod na hakbang: una, pagbababad at paghuhugas ng bigas; ikalawa, pag-giling sa bigas; ikatlo, pag-s/eam o pagpapaalsa sa bigas at; ikaapat, pagpapalamig sa puto bago ibenta; (3) agents ng tradisyon, na ito ay ang mga magpuputo (4) buyers o mamimili ng Putong Polo, na siyang mga mamamayan ng Valenzuela at maging ang mga taong dumarayo mula sa mga karatig-lugar ng Valenzuela (5) pagbabago sa tradisyon ng Putong Polo, (6) kagamitan sa paggawa ng Putong Polo, na tumutukoy sa pugong lutuan at mga hulmahan ng puto (7) itsura o kaanyuan ng Putong Polo, na tumutukoy sa daiawang kulay nito na puti at pula at, (8) sangkap sa paggawa ng Putong Polo, na bigas, tubig, asukal at pampaalsa. Buhay pa ang tradisyon sa kasalukuyan at marami pang inobasyong maaaring magpaunlad dito bilang isang kultural na industriya. en_US
dc.title Ang Tradisyon ng ‘Putong Polo’ so Lungsod ng Valenzuela en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account