Abstract:
Ang pangunahing suliranin ng tesis na pinamagatang "Bangkero: Sa
Kanyang Paglalayag, Ang Tradisyon ng Paggawa ng Bangka at Paglalayag Sa
Sta. Ana at Pasig," ay kung gaano kalalim napanatili ng mga naninirahan sa
tabi ng ilog Pasig ang tradisyon ng pamamangka sa ilog. Sinuri ng
mananaliksik ang historikal at etnograpikal na salik na magpapakita ng
tradisyon ng paggawa ng bangka at paglalayag sa ilog Pasig, partikular sa
Punta, Sta. Ana, Maynila at Kalawaan, Pasig. Inumpisahan ng manananaliksik na baybayin ang ilog Pasig, nakakita
siya ng mga lugar na marami pang mga bangka. Pumunta siya sa mga lugar na ito at nagtanong-tanong. Nagkaroon siya ng maraming panayam at kumuha ng impormasyon ukol sa mga pamilyang nagtataglay pa ng bangka
hanggang sa kasalukuyan. Nakabuo siya ng salaysay ng kanilang buhay o life
stories na naging basehan sa paggawa ng maraming pagsusuri at konklusyon. Layunin ng mananaliksik na suriin ang tradisyon ng paggawa ng
bangka at paglalayag nito sa ilog Pasig. Nais alamin at maunawaan ng
mananaliksik ang lalim o extent ng tradisyong ito, bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan. Nais din niyang silipin
ang buhay ng nga gumagawa at naglalayag sa ilog at ang mga benepisyong
kaakibat nito sa kanilang pamumuhay. llalahad din ng mananaliksik ang mga
salik na maaaring makaapekto sa pagpapatuloy o unti-unting pagkawala ng
tradisyon. Nais ng mananaliksik na kamptin ang higit na malalim na
pagkaunawa sa isang tradisyong kinamulatan ng mga mamamayan ng ilog
Pasig na direktang nakaapekto sa kanilang pamumuhay at ipaunawa sa mga
henerayon ngayon ang kahalagahan ng ilog Pasig, ang tradisyon ng
pamamangka at paggawa ng bangka dito dahil minsan sa kasaysayan ng
Pilipinas ay malaki ang idinulot na kabutihan ng mga yamang-tubig ng
bansa, partikular na ang ilog Pasig.