dc.description.abstract |
Sa isang patriyarkal na lipunan, lagi’t lagi, ang mga ina ay inaasahang gumampan
sa magkakapatong na responsibilidad sa produksiyon, reproduksiyon, at komunidad,
habang sila ay pinananatiling lantad sa karahasan. Sa Naga, Camarines Sur, sa rehiyon
ng Bikol, kung saan pinalalaganap ang mukha ng pasismo sa pinaigting na militarisasyon,
ang sektor ng ina ang isa sa mga nangunguna sa pagkilos tungo sa kolektibong
pagpapanawagan sa mga isyung pampamilya at panlipunan. Sa pamamagitan ng Key
Informant Interview, Focus Group Discussion, Survey, Field Research, Document
Research, at Case Study, binigyang mukha ang mga karanasan ng mga ina sa mga
pangmasang organisasyon sa gitna ng kulturang kontra-babae at kontra-mahirap. Ang
paglabas ng mga organisadong ina sa tahanan tungo sa lansangan upang magmobilisa
at manawagan ay naging daan upang isapulitika ang kanilang mga isyung pampamilya.
Dito ay bitbit nila ang mga suliranin sa kasarian ng mga kababaihan, sa lupa ng
magsasaka, sa sahod ng manggagawa, at sa edukasyon ng kabataan – mga pangkarapatang
usapin dala ng mga sektor na primaryang kinabibilangan nila at ng kanilang
pamilya. Nakita ng pag-aaral na ang ina, bilang bahagi ng pamilya at lipunan, ay hindi na
lamang nakapailalim at sunud-sunuran sa dikta ng kapaligirang nilikha ng patriyarkiya at
pinananatili ng pasismo. Ang mga ina sa Naga, Camarines Sur mismo ay nangunguna
sa pagkamit ng pangkultura, pampulitika, at pang-ekonomiyang pagbabago sa loob ng
kanilang pamilya, komunidad, at bansa. |
en_US |