dc.description.abstract |
Ang Metropolitan Manila Development Authority ay ang awtoridad na namamahala sa
pagpapaunlad ng kalakhang Maynila, at ang isa sa kanilang mga programa ay ang Sidewalk
Clearing na kung saan kanilang lilinisin ang mga sidewalks, lansangan, kanto, tulay, parke, at
iba't-ibang mga pampublikong lugar sa Metro Manila na may mga ilegal na imprastraktura at
mga nakakaabala sa gawain.
Sa pag-iimplementa ng programang ito, ang pangunahing naaapektiihan ay ang mga
sidewalk vendors dahil sa kakulangan ng ibang maaring mapagkakakitaan at hindi kayang
bayaran ang upa sa mga pwestong paupahan ay nananatili silang nakatali sa ganitong klase ng
paghahanap-buhay. Masama ang naidudulot ng programang ito sa mga Sidewalk vendors sa
Baclaran, malaki ang nababawas sa kanilang mga kita at minsan nga ay nagiging marahas pa ang
pag-iimplimenta ng MMDA sa programang ito kung kaya minsan ay napapahamak pa ang
kanilang buhay. Sa pag-aaral na ito, mapapatunayan ang kalagayang ito ng mga sidewalk
vendors gayundin naman ang patunay na hindi gaanong nkakaapekto ang programang ito sa mga
mamimili sa mga sidewalk vendors na ito.
Makikita rin na mali ang pamamaraan ng pag-iimplimenta ng MMDA sa programang ito
at kulang sila ng mga altematibo para sa ibang maaaring mapagkukuhanan ng ikabubuhay ng
mga sidewalk vendors na ito. |
en_US |