Abstract:
Sa mga baryo ng Loctuga, Manika at Oyang ng Libacao, Aklan, matatagpuan
natin ang isang kakaibang tradisyon ng pagpapakasal. Hungaw a ng tawag nila sa
tradisyong ito. Ang ginamit ng mananaliksik para sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha
ng mga impormasyon sa mga aklat at sa pamamagitan ng mga panayam sa Libacao,
Aklan. Katulad sa mga tradisyon ng pagpapakasal sa iba't-ibang grupong etnikong
matatagpuan sa Pilipinas, ang hungaw ay isang ipinagkasundong kasal sa pagitan ng
pamilya ng lalaki at babae. Dahil sa isa nga itong kasunduan sa pagitan ng mga
magulang ng lalaki at babae, isang napakahalagang papel ang ginagampanan dito ng
pamilya na itinalakay ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Bukod sa pamilya, binigyang
pansin din ang iba pang mahahalagang aspetong makikita natin sa tradisyon ng
hungaw ng panga-gad o paninilbihan, imbahada o pamamanhikan, hungit o subo,
walihan o ang pagbibigay ng payo at pagdadaos ng hungaw sa bahay ng pamilya ng
babae. Sinuri ang mga ito kung bakit mahahalaga ang mga ito sa tradisyon ng hungaw.
Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang pagsuri ng mga aspetong ito bilang salamin ng
lipunan - pamilya, ekonomiya at pulitika 一 ng mga residente ng Libacao, Aklan.