DSpace Repository

Saysay sa Startup: Isang Pagsusuri sa Komunikasyon ng Karismatikong Pamumuno at sa Pagtingin sa Pagkamakabuluhan ng Hanapbuhay Mula sa mga Kuwento at Danas sa mga Lokal na Startup

Show simple item record

dc.contributor.author Purificacion, Jaira C.
dc.date.accessioned 2023-07-04T00:32:01Z
dc.date.available 2023-07-04T00:32:01Z
dc.date.issued 2023-06
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2324
dc.description.abstract Layunin ng papel na suriin kung paano nabibigyang-daan ng komunikasyon ng karismatikong pamumuno ang makabuluhang hanapbuhay para sa mga miyembro ng mga lokal na startup. Ginamit ang metodolohiya ng pag-aaral ng kolektibong kaso sa pagkalap ng datos sa paraang pakikipagkuwentuhan. Lantad sa mga naratibo ng mga kalahok na lider at empleyado ang naiiba at mapanghamong sitwasyon at konteksto sa mga startup. Sa kabila nito, mula sa isinagawang tematikong pagsusuri ay napag-alamang maituturing na mahalagang sanggunian ng social information ang mga lider na nagpapamalas ng mga katangian ng komunikasyon ng karismatikong pamumuno sa loob ng mga startup—partikular ang pagiging visionaries, impression managers, influence agents, at relationship builders. Naitataguyod ng mga katangiang ito ang impormasyong nakapaghuhubog sa pagtingin ng mga miyembro sa pagkamakabuluhan ng kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng lapit na nakasentro sa manggagawa at sa gawain. Bukod pa rito, mayroon ding pahiwatig ang mga katutubong konsepto ng pakikiramdam, kapwa, at kagandahang-loob sa demonstrasyon ng mga lider ng komunikasyon ng karismatikong pamumuno at sa pag-unawa sa pagkamakabuluhan ng trabaho sa startup. Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa tatlong K: sa karanasan ng mga pangunahing sangkot sa pinag-aaralang penomenon, sa pagbibigay-kahulugan ng mga ito sa kanilang mga danas at kuwento, at sa kontekstong kinapapalooban ng kanilang pagdanas at pagpapakahulugan sa isang penomenon—lalo na sa bukod-tanging konteksto ng mga organisasyong startup sa Pilipinas kung saan matingkad ang mga kultural na pagpapahalaga, kasabay ng kanilang kapansin-pansin na pag-unlad sa panahon ng new normal. en_US
dc.subject Startup en_US
dc.subject Karismatikong pamumuno en_US
dc.subject Kabuluhan ng hanapbuhay en_US
dc.subject Social information processing en_US
dc.subject Kapwa en_US
dc.subject Pakikipagkuwentuhan en_US
dc.title Saysay sa Startup: Isang Pagsusuri sa Komunikasyon ng Karismatikong Pamumuno at sa Pagtingin sa Pagkamakabuluhan ng Hanapbuhay Mula sa mga Kuwento at Danas sa mga Lokal na Startup en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account