Abstract:
Marahil umiinom tayo ng kape nang tatlong beses o higit pa sa isang araw ngunit
hindi natin alam ang mga tunay na pangyayari sa likod ng masarap na inuming ito.
Sapagkat ito ay tinaguriang "brown gold" ito ay isa sa pinakamahalagang merkado at
produkto. Ito ang nakapukaw sa mananaliksik upang pag-aralan ang paksang ito at
masuri ang mga suliraning kinakaharap ng industriya ng kape lalung-lalo na ng mga
magsasaka ng kape sa Amadeo, Cavite.
Ang pag-aaral na ito ay “quantitative" at gumamit ng sarbey at pakikipanayam sa
limampung magsasaka sa bayan ng Amadeo, lalawigan ng Cavite. Ang iba pang
impormasyon at datos ay nakalap mula sa mga aklatan ng Uniberisdad ng Pilipinas at
ilang tanggapan ng lalawigan ng Cavite.
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mailarawan at maipaabot ang mga
suliraning kinakaharap ng mga magsasaka dulot ng liberalisasyon ng kalakalan.