Abstract:
Sa kasalukyan, dumaranas ang mga pampublikong paaralan sa ating bansa ng kawalan ng
mga mahuhusay na guro. Isa sa mga itinuturong dahilan ay ang patuloy na pag-alis ng mga
Pilipinong guro upaiig magtrabaho sa ibang bansa, kapalit ng mas maunlad na pamumuhay.
Sa pag-aaral na ito napatunayan na ang pinag-uugatan ng patuloy na migrasyon ng mga
pampublikong guro patungong ibang bansa ay ang mababa at di-sapat na sweldong tinatanggap
mula sa ating pamahalaan. Gayundin ang kawalan ng aksyon ng ating pamahalaan upang
tugunan ang mga problemang ito ay klarong pagpapakita ng pagsuporta nito sa pag-eeksport ng
mga mahuhusay na guro sa mga dayuhang bansa.
Dahil dito, malinaw na nangangailangan na ng ganap na pagbabago sa sistemang
nagluluwal ng ganitong mga suliranin. Upang maisakatuparan ito'y kinakailangang baguhin ang
sistemang pang-ekonomiya ng ating bansa at lansagin ang mga relasyong nananaig sa loob ng
sistemang ito.