Abstract:
Sa bansang Pilipinas, kung saan ang salitang prostitusyon ay ilegal at may
kaakibat na napakalaking panganib ang sinumang tatahak o papasok sa ganitong uri ng
gawain. Nakasaad din ito sa Artikulo 202 ng Revised Penal Code na kung sinuman ang
mapapatunayan na isang patutot at pumasok sa mundo ng pagbebenta ng sekswal na
serbisyo ay mabibigyan ng kaparusahan mula sa mga makapangyarihang awtoridad ng
lipunan. Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Nudes for Sale!: Pagsususuri sa
Kalagayan ng mga Patutot at Birtwal na Pagbebenta ng Aliw ay naglalayong magbigay
ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga kababaihang pumapasok sa pagbebenta
ng aliw, birtwal man o tradisyunal. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga
kababaihang nagbebenta ng birtwal na aliw sa kanilang mga kliyente. Nais din ng
pag-aaral na ito na ipakita ang tunay na sitwasyon, kalagayan, pahirap, at mga pasakit
na kinakaharap ng mga babaeng patutot sa kanilang ilegal na hanapbuhay sa gitna ng
pandemya at kung tunay nga bang sila ay napoprotektahan o mas lalo pang
napaparusahan.