dc.description.abstract |
Ang mga senior citizen, populasyong kinabibilangan ng edad animnapu (60) pataas,
ay bulnerable sa kanilang kalagayang pangkalusugan sapagkat sa kanilang edad
madalas lumalabas ang iba’t ibang uri ng karamdaman. Sa kadahilanang ito, layunin
ng pananaliksik na (1) tukuyin ang kalagayang pangkalusugan ng mga nakatatandang
naninirahan sa Distrito V ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng case study at
suring-salaysay; (2) ilantad ang mga gawi at pamamaraan ng mga Pilipinong
nakatatanda sa pagkakasakit sa pamamagitan ng penomenolohiya at suring-pampakay;
at (3) siyasatin ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng mga gawi sa pagkakasakit
ng mga Pilipinong nakatatanda sa pamamagitan ng batayang teorya at
suring-diskurso. Mula sa tatlong layunin na ito ay nakabuo ng tatlong tema: Ang
Triple Burden of Disease ng Nakatatanda, Ang Penomena ng Gawi, at Bulnerabilidad
bilang Ugat ng Gawi at Pagkakasakit. Sa ilalim ng ‘Ang Triple Burden of Disease ng
Nakatatanda,’ natagpuan na ang mga senior citizen ay maaaring magkaraoon ng
nakahahawang sakit, di-nakahahawang sakit, at sakit na dulot ng agarang
urbanisasyon at industriyalisasyon. Sa ‘Penomena ng Gawi’ tinalakay ang tatlong
yugto na pinagdaraanan ng nakatatanda kung sila ay magkasakit: pagtitiis,
pagpapagamot, at pagpapagaling at pagpapalakas. Ikahuli, nakita sa ‘Bulnerabilidad
bilang Ugat ng Gawi at Pagkakasakit,’ na ang sistemang pangkalusugan, ekonomiya,
at politika, ay nakalilimita sa gawing maaaring pagpilian ng nakatatanda, kung kaya’t
sila ay mas bulnerableng magkasakit. Bunsod nito, bumuo ng mga rekomendasyon na
naglalayong mapag-uswag pa ang kalagayan ng nakatatandang naninirahan sa Distrito
V ng Lungsod Quezon. |
en_US |