dc.description.abstract |
Ang pag-usbong ng mga dahop na pamayanan ay matagal ng isyu na
kinakaharap ng Pilipinas. Bagama’t may mga programang pabahay na ipinatutupad ang
pamahalaan, ang bilang ng mga taong naninirahan sa informal settlement, peligrosong
lugar, at lansangan ay patuloy na mataas.
Ang pabahay sa kalunsuran ay isang bagong pamamaraan upang tugunan ang
suliranin na ito. Sa Lungsod ng Maynila, ipinatupad ang Manila Urban Housing
Ordinance na may pangunahing layunin na magtayo ng mas maraming horizontal at
vertical na pabahay sa lungsod upang mabigyan ng disenteng tahanan ang mga
Manileño at mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay. Ang Baseco Compound, isa
sa pinakamalaki at pinakamatagal na informal settlement sa bansa, ay isa sa mga lugar
na pinili para sa proyektong pabahay na tinawag na BaseCommunity. Bilang sentro ng
pag-aaral, aalamin ang proseso sa pagtatayo nito, pagpili ng mga benepisyaryo, at ang
epekto sa pamumuhay ng mga residente.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, gumamit ng historical research design,
participatory action research at correlational bilang metodolohiya. At dahil ito ay isang
kwalitatibong pag-aaral, nagsagawa ng Key Informant Interview (KII), Case Study, at
Document Analysis upang kumalap ng datos at impormasyon habang Narrative
Analysis at Thematic Coding upang suriin ang mga ito.
Sa pangkabuuan, bagama’t may magandang hangarin ang implementasyon ng
relokasyon sa loob ng kalunrasan, ito ay may mga kaakibat na suliranin. Ang mga ito
ay dapat bigyan ng pansin upang maging matagumpay ang programa at maabot ang
mithiin na mapabuti ang buhay ng mamamayan. |
en_US |