Abstract:
Layunin ng Tesis na ito na malaman kung paano magbansag
ang mg a naninirahan sa Tibag, Baliwag Bulacan, sinu-sino ang
kanilang binabansagan at ang kahalagahan ng pagbabansag para
sa kanila.
Ang mg a datos ay nakalap sa pamamagitan ng mg a librong
may kinalaman sa pagpapangalanz sa pagbabansag sa tao, sa
Tibag, Baliwag Bulacan, sa mg a internet sites at sa mg a key
informants. Ang mga key informants na ay sampu na pawang may
kinalaman sa pagbabansag, mga nagbabansag at mga binabansagan.
Ang datos ay nakuha karamihan sa mga panayam sa kadahilanang
wala pang nasusulat ukol sa pagiging tradisyon ng pagbabansag
sa Tibagz Baliwag Bulacan.
Ang Tradisyon ng Pagbabansag sa Pangalan sa Tibag,
Baliwag Bulacan ay nangyayari sa mga magkakapangalan na tao at
para bigyan ng papurihan ang isang tao. Mahalaga para sa
kanila ang pagbabansag para madaling matukoy ang mga taong
magkakapangalan at para ipakita sa taong nakagawa ng mabuti
ang kanyang kahalagahan. Sa pagbabansag, walang pinipiling
tao, mayaman ka man o mahirap, may trabaho man o wala, maski
ang mga may matataas na posisyon sa Baliwag at Tibag ay may
bansag din. Ang madalas na reaksyon ng mga binabansagan ay
minsang naiinis at minsan naman ay nagagalit. Ang dahilan ng ganitong mg a reaksyon ay dahil sa inaakala nilang hindi sila
tanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila at ipinapamukha ang
mg a pisikal na kaanyuan na para sa kanila ay hindi maganda.
Ngunit sa pagtatapos ng pag-aaral na ito ay napatunyan na ang
pagbabansag ay hindi para mang-insulto ng tao. Ito ay para
makilala ang tao. Napatunayan din sa pag-aaral na ito na ang
pagbabansag ay matagal ng ginagamit at kasama ito sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Sa pamamagitan din ng
pagbabansag na ito ay maaaring makabuo ito ng relasyon sa
pagitan ng nagbabansag ay binabansagan.