dc.description.abstract |
Ang tunguhin ng Tesis na ito ay sagutin ang
pangunahing suliranin, ''Buhay pa ba ang Tradisyon ng Dururu
ng mga Aeta sa Pampanga?”
Upang masagot ang suliranin, ako ay nagsagawa ng
pangangalap datos sa pamamagitan ng pananaliksik sa
larangan (field research) at sa tulong ng mga panayam sa
mismong komunidad ng mga Aetas sa Pampanga. Sa pamamagitan
nito, napanatili ang katiyakan ng lahat datos na nakalap.
Bukod dito, ang mananaliksik ay nagsagawa rin ng pagmamasid
sa lugar na pinag-aaralan, nagkaroon rin ng pagbabasa na
ilang mga solatia upang mas mapalawig at mapaganda ang
ginawang pagpapaliwanag at pagsagot sa suliranin.
Sa pagtatapos ng papel, nalaman na ang tradisyon ng
awit ng mga Aeta ay buhay pa hanggang sa pangkasalukuyan.
Gayunpaman, ito ay buhay na lamang sa kaisipan at patay na
sa diwa ng komunidad. Nananatili na lamang ito sa memorya ng
mga nakatatanda sa komunidad. Gayunpaman, sa patuloy na
pagbabago-bago ng kapaligiran ng mga Aeta at sa pagbabago sa
kanilang uri ng pamumuhay, maaari itong tuluyang mamatay o
magpatuloy ang kasalukuyang ebolusyong nangyayari sa
nasabing awit. |
en_US |