Abstract:
Sa bayan ng San Fernando, Pampanga matatagpuan ang tradisyon ng
Ligligan Parul o ang Giant Lantern Festival kung saan ang mga barangay na
kalahok sa Lantern showdown ay nagpapakitang-gilas sa kanilang paggawa ng mga
kabigha-bighaning higanteng parol. Layunin ng papel na ito na talakayin ang
kahulugan ng Ligligan Parul 2007 para sa mga giant Lantern makers.
Sa pagkalap ng dates para sa tesis na ito, ang research design na
ginamit ay quaLitative research habang ang lapit naman ay grounded theory
approach. Sinuri ang mga datos gamit ang thematic ana Lysis batay sa mga sagot
ng mga kinapanayam. Dahil grounded theory approach ang ginamit sa pag-aaral,
bumuo ang researcher ng isang conceptuaL framework na naglahad ng ugnayan ng
mga nilalaman at kahulugan ng mga nakuhang datos sa fieLd. Community
vaLidation ang isinagawang paraan ng pagtatasa ng pag-aaral.
Ang Ligligan Parul para sa mga giant lantern makers ay isang tradisyon
na nagmula pa sa isang relihiyosong aktibidad tuwing Pasko. Bagamat
masasabing ang Ligligan Parul 2007 ay mauunawaan bilang isang pop festival,
nananatili pa rin ang diwa nito bilang isang tradisyon tuwing Pasko.
Itinuturing ang Ligligan Parul bilang karangalan ng bayan ng San Fernando.
Nakatutulong sa turismo at kabuhayan ng mga Fernandino ang pagdiriwang dahil
sa pamamagitan ng kanilang paggawa ng mga parol nagkaroon ng tatak ang mga
Fernandino bilang mahuhusay sa larangan ng paggawa ng mga parol. Higit sa
lahat, ang Ligligan Parul ay nangingibabaw hindi bilang isang luho lamang
ngunit bilang isang sakripisyo ng mga Fernandino tuwing Kapaskuhan.