Abstract:
Ang mga imahe ng kamatayan at paglilibing sa Banton ay nahahati sa
dalawang uri. Ito ay ang imaheng materyal at di-materyal. Ang mga imaheng
mateiyal ay binubuo ng mga katibayan ng sinaunang tradisyon ng kamatayan at
paglilibing sa Banton. Ang mga imaheng di-matei-yal naman ay masasalamin sa
mga paniniwala, pamahiin at rihval na kanilang sinusunod at ginagawa. Ang
dalawang uri ng imaheng ito ay mga elemento ng kamatayan na nagsisilbing tulong
para sa pagtahak sa pangalawang buhay. Ang kamatayan ay hindi isang katapusan
ngunit isang bahagi lamang ng buhay ng tao. Ang kamatayan ang nagsisilbing tulay
tungo sa pangalawang buhay. Ang sinaunang tradisyon ng kamatayan at paglilibing
ay may kaugnayan sa kasalukuyan. Ang mga konseptong bumubuo dito ay
magkatulad at magkaiba lamang sa elemento at pamamaraan.