dc.description.abstract |
Ang internal displacement ay tumutukoy sa sapilitang paglikas ng mga
tao bunga ng kaguluhan at paglabag sa kanilang mga karapatan. Sa
pagtatapos ng mga Digmaang Pandaigdig, malaki ang ibinaba sa bilang ng
mga world refugees. Subalit ang mga mamamayan ng mundo ay patuloy pa
ring humaharap sa matinding hamon ng mga human rights violations.
Maraming bansa ang dumaranas ng mga kaguluhang panloob. Sa
ganitong kondisyon, maraming sibilyan ang naiipit sa labanan. Upang
mapanatili ang kanilang kaligtasan, sila ay napipilitang lisanin ang kanilang
mga tahanan at maging mga internally displaced peoples (IDPs). Ang suliranin
ng internal displacement ay tuluyan ng pinalitan ang nilikhang problema ng
mga world refugees. Dahil sa lumalaking bilang nila, iniangat na ang isyung ito
bilang isang pandaigdigang suliranin.
Ang mga karanasan ng internal displacement sa Pilipinas ay
karaniwang maiuugnay sa mga nangyayaring armadong hidwaan. Ang labanan
sa pagitan ng militar at ng mga makakaliwa ang lumilikha ng malaking bilang
ng mga IDPs sa bansa. Ang mga IDPs ay ka rani wan nang biktima ng mga
paglabag sa karapatran na nagtulak sa kanilang sapiltang paglikas. Sa
kanilang pagiging IDPs, panibagong mga paglabag na naman ang kanilang
nararanasan. Nawawalan sila ng kalayaang pumili ng tahanan at ang mabuhay
nang maayos at payapa.
Dahil sa responsibilidad ng pamahalaan na maging tagapangalaga ng
kanyang mga mamamayan at ang protektahan ang mga ito sa mga uri ng
paglabag sa karapatang pantao, sila ang naatasang tumugon sa suliranin ng
mga sapilitang paglikas. Nasa pambansang pamahalaan ang responsibilidad
na panatiliin ang karapatan sa buhay, kalayaan, at ari-arian ng kanyang mga
mamamayan. |
en_US |