dc.description.abstract |
Isa ang media sa pinagmumulan ng impormasyon ng mga mamamayan sa ating lipunan
at sa mga napapanood dito nabubuo ang opinyon o ideolohiya ng mga tao sa iba't-ibang
mga usapin. Isang klase ng media ang mga pelikula at isang uri ng pelikula ay tinatawag
na chick flicks.
Ang mga pelikulang chick flicks ay karaniwang naiuugnay sa usapin ng konsyumerismo,
dahil sa pagpapakita nito ng ideya na ang pagiging matagumpay ng isang tao ay base sa
kung ano ang materyal na bagay na mayroon siya. Ang kagandahan asal at katalinuhan
ay napapabayaan sa halip binibigayang importansya ang pagkakaroon ng mamahaling
mga damit, alahas, at sapatos at ang pisikal na kagandahan ng tao.
Ang papel na ito ay naglalayong malaman kung may relasyon ang panonood ng mga
pelikulang chick flicks sa isyu ng konsyumerismo sa mga kabataan. Para makamit ang
layunin ng papel na ito, gumamit ang mananaliksik ng qualitative at quantitative na
paraan sa pagkuha ng datos.
Sa mga datos na nakalap, nakakaapekto ang panonood ng mga chick flick sa mga
manonood sa pamamagitan ng pagsunod sa kung ano ang uso pagdating sa fashion at sa
iba pang pisikal na katangian ng mga manonood. Kasama rin sa pag-aaral na ito ang
paggamit ng covert advertising sa mga pelikula upang ipahayag ang ideya ng
konsyumerismo sa mga manononood. Sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, kasabay nitong dumadami ang paraan ng mga
kabataan sa ngayon upang mapanood ang mga pelikulang mula sa Estados Unidos. Dahil
sa paggamit sa media bilang isang Ideological State Appaatus, hindi ma汰akaila na
nakaaapekto sa mga manonood ang mga pelikulang chick flick sa pagpapalabas dito ng
ideya ng konsyumerismo ng mga kapitalista. Ngunit dapat tandaan na ang hanganan ng
kakayahan ng mga pelikula ay ang pag-impluwesya sa mga manonood sa mga dapat
ikilos at sa mga dapat nilang bilhin, walang kakayahan ang mga pelikula ng pwersahin
ang mga manonood na sundin ang mga ideya na kanilang napapanood. Dapat maging
mapag matyag at mapanuri ang mga manonood sa mga ideyang ipinapalas sa mga
pelikulang chick flick o sa kahit anong klase ng media. |
en_US |